memes

Litratong Pinoy: Kandado at Dito Lang

8:17 AM





May utang ako sa LP noong nakaraang linggo kaya 2 ang larawang lahok ko ngayong Huwebes. Oo nga pala, dito ko na rin inilagay sa isang site ko para mabisita niyo naman ako dito.

Anyway highway...

Ang mga kandadong iyan ang nagbantay sa mga mahahalaga (at kadalasa'y nakakalokang) mga sikreto ko noong ako'y nasa Elementary at High School pa lang. Bago pa nauso ang mga blog ay naging abala rin ako sa pagsusulat ng aking mga nasa isip sa aking diary. Regalo ang mga ito ng isang pinsang nagtatrabaho noon sa abroad. Madalas pang pag-awayan namin yan ng aking makukulit na kapatid. Binabalak kasi nilang buksan para lang magkaroon ng maiinit na expose! Kita mo nga naman, dati itinatago ko ang aking mga sulatin. Ngayon ay naka-broadcast na sa world wide web!


Ang larawan naman sa itaas ay kuha noong nanood kami ng aking pamilya sa Ultra 7 Cinema ng Eastwood Mall, Libis. Dito lang kasi ako nakapanood ng sine habang nakahiga sa Lazy Boy reclining seat at kumakain ng unlimited popcorn at softdrinks. Medyo mahal kesa sa ordinaryong sinehan pero ok lang naman. Nalugi kaya sila sa amin sa dami ng popcorn at softdrinks na aming naubos sa halos tatlong oras na panonod namin ng Transformers: Revenge of the Fallen. Hahaha!

You Might Also Like

5 comments

  1. may diary noon din ako pero walang kandado:) gusto ko iyang lazyboy at siguradong lugi din ang sinehan sa akin pag nagkataon.

    ReplyDelete
  2. di ako mahilig sa diary pero mahilig akong mag basa ng diary ng iba =))

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)

    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  3. Hindi ba tayo nagusap? hehe

    Nakakatuwa after all these years nakatabi pa ang diary mo. Ganyan ang anak kong babae pero dahil sa binabasa ng bunso niyang kapatid hayun ayaw ng magdiary. hehe

    Ang sarap namang manood diyan kung ganyan ang upuan ko parang nasa bahay lang at may at unlimited pa ang popcorn at softdrinks. San ka pa? :-)

    ReplyDelete
  4. I'll be adding na din this site sa blogroll ko 'yung isang site mo dati ko pa na-add. Palit tayo. hihi. thanks! :D

    ReplyDelete
  5. ahaha naalala ko bigla nag matinding awayang ng aming mag pipinsan dahil binasa namin ang kanyang diary ehhehe...kakatawa...pati yung kapatid awayan din kami...

    ReplyDelete

Thank you for taking your time to read my post. This is a DO FOLLOW blog. Comments, except SPAM, are greatly appreciated.

Visit My Other Blogs